Personal na ininspeksyon ni Mayor Benjamin Magalong ang mga infrastructure project upang matiyak ang kalidad at pagsunod sa plano, kabilang na ang Mines View Multipurpose Building, Orchidarium, Tennis Court, Athlete’s Quarters, Engineer’s Hill Barangay Hall, at Bayan Park Multi-Purpose Complex nito lamang ika-25 ng Enero 2025.
Iniutos ni Mayor Magaling na palitan ang sirang bintana at ayusin ang disposal ng scrap materials sa Mines View, at target na matapos ito sa katapusan ng buwan, habang nasiyahan naman ito sa Bayan Park Complex na may parking area at Taraflex basketball court na inaasahang matatapos sa loob ng 2-3 buwan.
Kasama din sa naturang inspeksyon ang mga opisyal ng lungsod at ilang konsehal upang tiyakin ang kalidad, pagsunod sa plano, at maayos na pagpapatupad ng mga imprastruktura upang masiguro ang ligtas at maayos na paggamit nito ng publiko sa itinakdang panahon.