Nagsagawa ng Information Awareness Drive ang mga kasundaluhan ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, 7th Infantry (Kaugnay) Division sa Sitio Bulak, Gen Tinio, Nueva Ecija nito lamang ika-13 ng Hunyo 2022.
Ayon kay 2nd Lieutenant Knarl Vincent P Tiongson, Platoon Leader ng Bravo Company, 84IB ang mga IP community ay isa sa mga pinakamadaling sektor na linlangin ng mga Communist Terrorist Groups.
40 miyembro ng tribong Dumagat at Aeta ang dumalo sa nasabing aktibidad ng mga kasundaluhan.
Pinapamulat sa mga ito na ang mapanlinlang na pagrekrut ng mga makakaliwang grupo ay hindi magdudulot ng maginhawang buhay bagkus, ipapahamak nila maging ang kanilang pamilya.
Bukod dito, nagkaroon din ng feeding program sa nasabing lugar.
Labis naman ang pasasalamat ng isa sa dumalo sa nasabing programa na si Ms Daly Carpio kung saan sinabi niya na gusto niya na sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral ay hindi sila makukuha ng kabilang panig at matulad sa mga kabataang nasira ang buhay dahil sa CPP-NPA-NDF.
Samantala, nagbigay din ng mensahe si Lieutenant Colonel Enrico Gil C Ileto, Commanding Officer ng 84IB kung saan pinuri niya ang 84 IB troopers sa pagbibigay sa mga IP ng nararapat na edukasyon upang imulat sila sa mga maling ideolohiya at propaganda ng makakaliwang grupo sa ating bansa.
Binigyan-diin din niya ang panawagan na ipagpatuloy nila ang suporta nila sa gobyerno at makiisa sa mga programang ipinapatupad sa ating bansa.
Siniguro naman ni Major General Andrew D Costelo, PA Commander ng 7th Infantry Division na patuloy ang pagprotekta nila sa mga mamamayan ng walang pag-aalinlangan.