Muling inilunsad ang Incident Command System para sa 2024 La Union Surfing Break – Bacnotan Leg sa Bacnotan People’ Hall nito lamang ika-29 ng Oktubre 2024.
Magsisilbing responsible official si Mayor Divine Fontanilla sa pagdaraos ng programa at incident commander naman si Vice Mayor Francis Fontanilla.
Kasama sa pagpupulong ang iba’t ibang kawani ng lokal na pamahalaan, ahensya, opisyales ng barangay at mga asosasyon na mangunguna sa papalapit na surfing break.
Puspusan ang paghahanda ng lokal na pamahalaan para maihatid ang makulay, masaya, at maayos na surfing break.
Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa Bacnotan, La Union na patuloy silang magsasagawa ng mga programa na may layong pagyamanin pa ang kaalaman ng kanilang nasasakupan.
Source: Bacnotan, La Union
Panulat ni Sane Mind