18.4 C
Baguio City
Monday, May 5, 2025
spot_img

Inagurasyon ng Farm-to-Market Road, isinagawa sa Enrile, Cagayan

Pormal nang pinasinayaan ang Farm-to-Market Road (FMR) sa bahagi ng Barangay Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan noong Biyernes, Mayo 2, 2025, sa pangunguna ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba.

Ang proyekto ay isang konkretong barangay road na may habang 570 metro mula sa National Highway patungo sa loob ng barangay. Ayon kay Provincial Engineer Kingstone James Dela Cruz, ito ay isinakatuparan gamit ang P12 milyong pondo mula sa Supplemental Budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Kasama rin sa aktibidad ang mga opisyal ng barangay, kawani ng Provincial Engineering Office, at mga residente ng lugar na nagpahayag ng pasasalamat sa pagkakumpleto ng proyekto.

Ipinaliwanag ni Engr. Dela Cruz na isinagawa ang kalsada alinsunod sa ligtas at angkop na disenyo, kung saan inilagay ang slope protection sa gilid ng National Irrigation Canal upang mapanatiling matatag at ligtas ang kalsada.

Layunin ng proyekto na mapadali ang transportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka mula sa sakahan patungo sa pamilihan at maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa barangay. Isa rin ito sa mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak ang kaunlaran at maiparamdam ang serbisyo ng gobyerno sa mga malalayong lugar.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles