13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Inabandona na sugatang lider ng CTG, tinulungan ng AFP at PNP

Nirespondehan ng mga kasundaluhan at kapulisan ang isang lider ng Communist Terrorist Group (CTG) na nasugatan matapos ang naganap na dalawang araw na engkwentro sa Sitio Timmapaya, Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao noong Mayo 26, 2022.

Kinilala ni Major General Andres Costela, Commander ng 7ID, Philippine Army ang sugatang lider na si alyas “Junel”, tubong Brgy. Lubong, Sta. Lucia, Ilocos Sur na siyang Vice Commander ng Guerrilla Front – Abra-Mt. Province-Ilocos Sur (WGF-AMPIS).

Dagdag pa ni MGen Costela, si alyas “Junel” ay isa lamang sa mga nasugatan sa kanilang isinagawang dalawang araw na pursuit operations mula Mayo 23-24, 2022 matapos silang makatanggap ng tawag na nasa Sitio Belbel, Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao ang nasabing lider.

Ayon sa ulat, si alyas “Junel” ay nagtamo ng sugat sa kanyang balakang kung saan siya ay inabandona ng kanyang mga kasamahan na nirespondehan at tinulungan naman ng mga nasabing otoridad at dinala sa Panopdopan District Hospital upang malapatan ng agarang lunas at kaukulang medikasyon.

“Sumuko na kayo habang may panahon pa. Isipin ninyo ang inyong kinabukasan at isipin ninyo na may pag-asa pa ang inyong mga buhay. Hindi namin kayo itinuturing na mga kaaway, bagkus kayo pa rin ay mga miyembro ng komunidad na dapat naming protektahan. Kaya naman kung kayo ay tumalikod sa inyong taliwas na paniniwala, maraming nakahandang programa ng ating gobyerno ang naghihintay sa inyo upang makapagsimula ng mapayapang buhay,” mensahe ni MGen Costelo sa mga nalalabi pang miyembro ng WGF-AMPIS.

Sources: https://www.facebook.com/100067470001270/posts/334464278812570/

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=380411527464831&id=100064879590286

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles