16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Immuki Island ng Balaoan, La Union

Ang Immuki Island ay isang destinasyon na matatagpuan sa Brgy. Paraoir, Balaoan, La Union.

Ang islang ito ay binibisita dahil sa ganda ng tatlong mga lagoon nito na saktong sakto para sa swimming at cliff jumping.

Ang unang lagoon ay may lalim na siyam hanggang sampung talampakan, habang ang pangalawang lagoon ay may lalim na walong talampakan, at ang pangatlong lagoon naman ay may lalim na labintatlong talampakan.

Ito ay napapalibutan ng mangrove trees at halaman na bantigue na naging rason para gustuhin ng mga taong mahilig sa ganda ng kalikasan.

Kapag low tide, madali kang makakalakad mula sa dalampasigan hanggang sa isla ng Immuki, at kapag high tide naman, humigit-kumulang na limang talampakan lang ang lalim nito kaya posibleng lumangoy patawid.

Siguraduhin lamang na gumamit ng aqua shoes para sa pamamasyal sa Immuki Island dahil maraming patay na korales sa paligid ng isla na maaaring makasugat o makasakit kung matapakan.

Patuloy namang pinangangalagaan ang naturang isla upang makapagbigay pa ng trabaho sa mga mamamayan na malapit dito at kasiyahan naman para sa mga turista na bumibisita sa isla.

Pinapanatili ng Lokal na Pamahalaan ng nakakasakop dito ang kalinisan at kaayusan ng lugar at dito ay makikita na ginagawa ng Lokal na Pamahalaan ang lahat upang mapaunlad pa ang naturang isla. 

Source:

https://wanderera.com/immukiislandlaunion/?fbclid=IwAR1xLeegEmOyD3ssO8EtP5H4sHUGp7ojdGyveKoYTwkGU4to0NmA_7BcRU

Related Articles

1 COMMENT

Comments are closed.

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles