Ang Sand Dunes sa Ilocos Norte ay isang malawak na palaruan para sa mga kapanapanabik na escapade na walang kailangan kundi ang pagnanais na palayain ang takot at ang pananabik na magsaya. Ito ay isang pakikipagsapalaran na nagtuturo sa mga bata na maging matapang at ang mga matanda na magkaroon ng saya na tulad ng isang bata kahit sa isang sandali.
Mula sa mga bayan ng Currimao, Paoay, Laoag at hanggang sa bahagi ng Pasuquin ay ang Sand Dunes ng Ilocos Norte, ang nag-iisang uri nito sa Pilipinas. Ngunit sa mga bayang ito, magkaribal ang Laoag at Paoay para sa pinakamagandang karanasan sa disyerto.
Idineklara ng National Commission on Geological Science ang Ilocos Norte Sand Dunes noong 1993 bilang National Geological Monument. Ang mahaba at malalawak na kahabaan ng mga buhangin na ito ay tumatakbo patungong baybayin na nasa gilid ng West Philippine Sea.
Ang Sand Dunes ng Ilocos Norte ay malaking tulong sa komunidad na nasasakupan nito sapagkat isa ito sa nagbibigay ng pondo para sa bayan at binibigyan din nito ng trabaho ang ating mga kababayan na naninirahan sa Ilocos Norte.
Panunulat ni Berting
Source:
Ilocos Norte Sand Dunes | Fun Adventures in Desert Oasis
You made some really good points there. I checked on the web to learn more about the issue and found most individuals will go along with your views on this web site.