Libo-libong confiscated at surrendered illegal firecrackers ang isa-isang sinira ng mga kawani ng gobyerno sa lalawigan ng Pampanga nito lamang ika-28 ng Disyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay magkatuwang na isinagawa ng Pampanga Provincial Disaster Risk reduction and Management Office (PDRRMO), Pampanga Police Provincial Office at Bureau of Fire Protection kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda.
Ang mga nakumpiskang paputok na nukuha mula sa mga illegal na sellers tulad ng ng judas belt, five star, at piccolo ay kabilang sa listahan ng mg pinagbabawal na paputok kasama din sa mga nakuha ang mga boga o improvised cannons na karamihan sa mga ito ay gawa sa PVC pipes, bote at lata na sinasamahan pa ng lighter at butane.
Mula December 23 hanggang December 27, nasa 4,200 na mixed illegal firecrackers na ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Sa tala ng Pampanga PNP, 86% ng sanhi ng mga firecracker related incidents noong nakaraang taon ay dahil sa boga kaya mas pinaigting pa ng kapulisan, BFP, kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang kampanya kontra sa paggamit at pagbebenta ng mga ilegal na paputok para hindi makumpromiso ang kaligtasan ng bawat pamilyang Kapampangan at maging masaya ang pagsalubong ng bagong taon.