Sumailalim sa limang araw na Generic Basic Life Support at Standard First Aid Training of Facilitators ang 25 medical at administrative personnel mula sa Provincial Health Office (PHO) at District Hospitals na isinagawa sa Sta. Ana, Cagayan mula Marso 24-28, 2025.
Isinagawa ang pagsasanay sa pakikipagtulungan ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD), na naging katuwang ng PHO sa pagbibigay ng mga kaalaman at kasanayan sa mga kalahok.


Saklaw ng pagsasanay ang classroom management, delivery of training modules, skills demonstration, at return demonstration, pati na rin ang isang simulation exercise kung saan sinubok ang kahandaan ng mga kalahok sa aktuwal na emergency situations.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng Health Emergency Response Team hindi lamang sa pagsasagawa ng BLS at SFA kung hindi pati na rin sa pagtuturo nito. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, sila ay hinahasa bilang ‘facilitators’ o tagapagsanay sa mga responder mula sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan.
Source: CPIO