17.5 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Ikatlong Online Sports Leadership Program (OSLP) National Sports Summit, pormal na binuksan sa Cagayan State University

Pormal na binuksan ang ikatlong Online Sports Leadership Program (OSLP) National Sports Summit sa Cagayan State University, Andrews Campus upang pag-isahin ang mga lider sa sports at mga coach mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang isulong ang pagpapalakas ng larangan ng sports sa Pilipinas na ginanap noong ika-23 ng Agosto 2024.

Ayon kay City Councilor Charo Soriano, ang summit ay upang pagyamanin ang pagtutulungan at itaguyod ang mga Olympic values upang mapalago ang komunidad.

Ang sports ay hindi lamang pisikal na aktibidad kundi isang mahalagang instrumento para sa paghubog ng magandang asal at disiplina.

Nagbibigay ang OLSP ng pagkakataon sa mga kalahok na makilahok sa mga talakayan at pagsasanay na tutuon sa pagpapalakas ng kanilang pamumuno at pagsulong sa sports bilang bahagi ng edukasyon, kalusugan, at kabuuang pag-unlad ng indibidwal at ng komunidad.

Ang summit na ito ay nagsisilbi ring plataporma para sa pagpapalitan ng mga ideya, karanasan, at best practices mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahan na mas mapapalalim ang pag-unawa sa papel ng sports hindi lamang bilang pisikal na aktibidad kundi bilang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng kabataan at ng lipunan.

Source: PIA Cagayan Valley

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles