21.9 C
Baguio City
Wednesday, January 29, 2025
spot_img

Ikalawang kaso ng Mpox, kinumpirma ng Baguio CHSO

Kinumpirma ng Baguio City Health Services Office ang ikalawang kaso ng Mpox sa Lungsod ng Baguio noong Enero 25, 2025.

Nagpositibo ang pangalawang laboratory-confirmed na kaso ng Mpox na iniulat sa DOH noong Enero 18 matapos humingi ng konsultasyon ang isang pribadong hospital kung saan kinuha ang mga specimen mula sa mga sugat sa balat at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang kaso ay isang 22-anyos na lalaki, residente ng Baguio, na walang travel history sa labas ng Pilipinas ngunit may close contact dalawang linggo bago ang simula ng sintomas.

Ang biktima ay nakaranas ng sintomas tulad ng trangkaso na may panginginig, pagkapagod, at ang mga kakaibang pantal sa mga palad, mukha, braso, thorax, at likod.

Ang impeksyon ay sanhi din ng hindi gaanong malubhang uri ng Clade II, kapareho ng unang kaso ng Mpox sa lungsod.

Ang pasyente ay pinalabas mula sa ospital noong Enero 21 at dumiretso para sa home isolation habang ang dalawang natukoy na close contact na wala pang sintomas ay pinayuhang sumailalim sa quarantine hanggang Pebrero 6 at ang isa pa sa Pebrero 24.

Samantala, tiniyak ni Mayor Benjamin Magalong, kasama ang City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes sa publiko na walang dahilan para mag-panic subalit mariing pinaalalahanan ang publiko na isagawa ang nakagawiang health protocols tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at physical distancing lalo na sa mga matataong lugar kung saan ito ay hindi lamang makakatulong na maiwasan ang pagkalat ng Mpox kundi pati na rin ang iba pang mga sakit na tu

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles