13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Ika-78th Anibersaryo ng Liberation of Tuguegarao City, ginunita

Matagumpay na ginunita ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang ika-78th Anibersaryo ng Liberation of Tuguegarao na ginanap sa Heroes Monument sa Bonifacio Street, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Linggo, ika-25 ng Hunyo 2023.

Isang maikling seremonya ang isinagawa sa pamamagitan ng gun salute ng mga miyembro ng Tuguegarao City Police Station at wreath-laying sa mismong Heroes Monument na pinangunahan ni City Administrator Juanito Calubaquib, kasama sina City Councilor Tirso Mangada, City Councilor Atty. Aldous Baccay at Regional President Reynaldo Lingan ng Veterans Federation of the Philippines.

Muli namang inalala ni City Administrator Calubaquib, bilang kinatawan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que sa kanyang mensahe ang naging paglaya ng Tuguegarao sa kamay ng mga Hapon.

“On the 25th of June 1945, the town of Tuguegarao was finally re-taken from our enemy control, so today, we have proven our capacity that we can continuously making our freedom work for the benefit of our people….and we owe all of these to our heroes who had fought for our freedom”, pahayag ni City Administrator Calubaquib.

Ang nabanggit na programa ay dinaluhan nina Executive Assistant III Donne Angelo Oñate, mga department heads at mga kawani ng LGU Tuguegarao, mga uniformed personnel na kinabibilangan ng PNP, BFP, BJMP at Philippine Coast Guard, kasama rin ang mga miyembro ng Veterans Federation of the Philippines Tuguegarao Chapter at Pastor Jun Bassig ng Church of the Living God.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles