13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Igorota na pintor at abogado nakatanggap ng International Recognition

Isang Igorota ang nakatanggap ng International Recognition dahil sa kanyang mga obra na naisama sa Euro-Pinoy Arts Exhibition na may temang nakapokus sa kalikasan at kultura ng mga Igorot.

Siya si Kizel Cotiw-an na tubong Buguias, Benguet at kabilang sa tribu ng Kankana-ey.

Kabilang ang mga obra ni Kizel na “Little Girl Catching Tadpoles” at “The Water Spirit” ang makikita sa Euro-Pinoy Visual Arts Exhibition sa Yuchengco Museum mula Mayo 20 hanggang Mayo 31, 2022,

Ayon kay Kizel, naging inspirasyon niya sa paggawa ng kanyang mga obra ang kanyang mga naging karanasan noong kanyang kabataan gaya ng panghuhuli ng mga insekto, pangunguha ng tsaa sa kabundukan, panghuhuli ng mga maliliit na palaka at pagkain ng kamoteng-kahoy.

Si Kizel ay nakapagtapos bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Fine Arts Degree Major in Visual Arts sa University of Baguio taong 2012 at nito lamang taon ay nakapasa naman siya sa 2022 Bar Exam.

Source: https://www.wowcordillera.com/2022/05/igorota-artist-received-international.html?fbclid=IwAR2RhdKnByK8V1lEP-rcN8WQiTYF12yx-AsK5wbPVpz3HPUaz9Jmxv0NJJk&m=1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles