Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) na may temang “The evidence is clear: INVEST IN PREVENTION” alinsunod sa Memorandum Circular no. 2024-082 katuwang ang Department of the Interior and Local Government, Alaminos City Police Station at Interfaith Group noong Hunyo 26, 2024.
Ang programa ay dinaluhan ng Newly Elected Sangguniang Kabataan Chairman and Student Leaders on Anti-Drug Abuse na may layuning bigyan ng kamalayan at kasanayan ang mga kabataang Alaminians sa epektibong pag-iwas at paglaban sa droga sa lungsod.
Nagbahagi ng kaalaman at tinalakay nina PLtCol Bernabe F Ramos, Information Officer II Glaiza Rose Abalos-Jumawan ng PDEA ROI-Pangasinan Provincial Office, at Raymond T. Basbas, RN, MAN Chief Administrative Office, DOH, TRC Dagupan, ang ilang paksa gaya ng Drug Situation in the Alaminos City, Effects of Illegal Drugs at Demystifying Substance Abuse.
Samantala, kasabay sa nasabing programa ang pagpirma ng mga dumalo sa Pledge of Commitment Board.
Dumalo at nagbigay naman ng mensahe ng pagsuporta sina DILG Provincial Director Virgilio P. Sison CESO VI, City Vice Mayor Jan Marionne Fontelera, CLGOO Victoria Jean P. Dawis at Interfaith Group Rep. Rev Fr. Windell David G. De Vera.
Kasama rin sa naturang aktibidad sina CGDH I-CHRMO/OIC-City Administrator Dr. Emielou E. Gellado, CGDH I-CPDO Engr. Eduardo Garcia, CGDH I-CYSDO Cloyd Peter Lalas, CGDH I-CIO Atty. Elton Jun V. Veloria at SK Federation President Loverly Bernabe.
Source: Alaminos LGU