16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Iba’t Ibang Katutubong Palaro, itinampok sa Cultural Sportsfest sa Ifugao, Lagawe

Itinampok ang iba’t ibang katutubong palaro sa ginanap na cultural sportsfest bilang pagdiriwang ng ika-35th Cordillera Month at 27th Police Community Relations Month sa Camp Colonel Joaquin P. Dunuan, Poblacion North, Lagawe, Ifugao noong Hulyo 22, 2022.

Ang nasabing cultural sportsfest ay pinasimulan ni Police Colonel James Mangili, Hepe ng Ifugao Police Provincial Office kung saan naglaban laban sa mga patimpalak ang mga iba’t ibang chapter ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo -Ifugao at mga tauhan ng iba’t ibang Municipal Police Station.

Pinakatampok sa aktibidad ang kompetisyon sa mga larong etniko sa kategoryang indibidwal at grupo tulad ng Ug-gub, Hangul (wrestling ng braso), Hinnukting, Labbah Race, Innabah, Guyyudan (Tug of War), basketball sa kalalakihan at volleyball sa kababaihan.

Bago makasali sa palaro, ang kalahok ay kinakailangang magsuot ng katutubong kasuotan ng Ifugao.

Ang mga nagwagi sa mga laro ay ginawaran ng mga medalya at sertipiko ng paglahok.

Layunin ng aktibidad na isulong ang kapayapaan, pagkakasundo, sportsmanship, at camaraderie sa pangangalaga sa kultura lalo na sa mga kabataan bilang katuwang ng Pulisya at publiko sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan tungo sa pag-unlad ng komunidad.

“Sa tuwing nakikita ko ang mga nakababatang henerasyon na nagsusuot ng ating mga katutubong kasuotan ng Ifugao, nakaramdam ako ng lakas, kagalakan, pagmamalaki at pasasalamat na pinahahalagahan ng mga kabataang ito ang ating kultura. Kaya hinihikayat ko kayong lahat, lalo na ang PNP, na turuan ang ating mga anak kung paano isuot ang ating katutubong kasuotan at pangalagaan ang ating kultura,” ani Police Colonel Mangili.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles