Matagumpay na naghatid ng tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga residente sa baybaying lugar ng Baggao, Gattaran at Peñablanca, Cagayan, noong ika-17 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ng nga kawani ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng food packs, katuwang ang pwersa ng Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard at Philippine Air Force.
Sa tulong ng Black Hawk Helicopter ng PAF, matagumpay na naihatid ang 486 Family Food Packs at 150 Non-Food Items sa mga residenteng apektado.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng augmentation support ng DSWD na naglalayong matugunan ang pangangailangan at mabigyan ng agarang tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Source: DSWD Region II