18.3 C
Baguio City
Thursday, September 19, 2024
spot_img

Iba’t ibang ahensya ng Gobyerno nagdiwang ng Family Week kasama ng Agta Tribe sa Cagayan

Bilang pagdiriwang ng 30th National Filipino Family Week, nagsagawa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ng isang Community Outreach Program para sa mga miyembro ng Agta Tribe sa Barangay Aridowen, Santa Teresita, Cagayan nitong Setyembre 30, 2022.

Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2.

Nagbigay ang ahensya ng mga food packs at hygiene kits sa 50 pamilya ng Agta sa nabanggit na lugar.

Bukod pa dito, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng school supplies, tsinelas, grocery items, seedlings, mga bitamina at medical assistance mula sa Department of Education, Philippine National Police, Department of Agriculture, at Department of Health.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng katutubong agta sa mga natanggap nilang suporta at tulong mula sa gobyerno.

Siniguro naman ng DSWD na mas lalo pa nilang papalakasin ang kanilang ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan, LGU, at NGOs para makapagbigay ng dekalidad na serbisyo para sa mga katutubo.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles