16.4 C
Baguio City
Thursday, November 28, 2024
spot_img

I love Quirino Pinasayang Caravan, umarangkada sa Barangay Buenavista Maddele

Muling umarangkada ang I love Quirino Pinasayang Caravan 2023 ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gob Cua kasama ang lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng Gobyerno na naglalapit ng mga serbisyo at programa sa mga Barangay ng buong lalawigan.

Ang Barang Buenavista na pinamumunuan ni Punong Barangay Wilfredo E Rivera, ang ika-51 na Barangay sa buong lalawigan na binisita at binigyang serbisyo ng caravan na binisita at binigyang serbisyo ng caravan team noong Nobyembre 9, 2023.

Tampok dito ang programang hatid ng mga National Government agencies, gayundin ang mga serbisyo publikong dala ng pamahalaang panlalawigan tulad ng pagbibigay ng libreng bigas, libreng medical check-up, libreng gamot, libreng gupit at iba pa.

Agad ding tinugunan ni Gob. Dax Cua ang kahilingan ng Barangay na gravelling o pagsasaayos ng kanilang farm-to-market roads sa Purok 1,2,3 sa ilalim ng caravan fund na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Bukod pa dito, sa tulong ng Sangguniang panlalawigan ay aprubado na rin ang bagong sasakyan ng Barangay na nagkakahalaga ng Php1.5 milyon.

Sa huling bahagi ng programa isinagawa ang isang planning at consultation meeting na pinangunahan ni Gob. Cua kasama ang opisyal ng Barangay upang alamin ang iba pang pangangailangan ng Barangay na maaaring mapondohan sa ilalim ng regular Barangay Fund.

Ang nasabing Caravan ay personal ding dinaluhan ni Vice Gobernor Julius Caesar Vauquilar, punong Bayan Rimel Tolentino, Vice Mayor Joel Badongen, mga miyembro ng Sangguniang panlalawigan at Sangguniang Bayan, Gayundin ang Hepe ng iba’t ibang departamento ng PLGU, at NGAs.

Source: PIA Quirino

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles