Isinagawa ang pamamahagi ng mga buto ng hybrid yellow corn seeds sa limang barangay ng Lungsod ng Tuguegarao City nito lamang ika-14 ng Mayo 2024.
Pinangasiwaan ng City Agriculture Office sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Evangeline Calubaquib ang distribusyon ng mga corn seeds sa mga magsasaka mula sa barangay ng Larion Alto, Larion Bajo, Balzain East, Annafunan East, at Linao West.
Nasa kabuuang bilang na 430 bags ng hybrid yellow corn seed na nagkakahalaga ng Php2.6 milyong piso mula sa Corn Production Enhancement Program (CPEP) ng Department of Agriculture.
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Maila sa Department of Agriculture Regional Field Office 02, sa pamumuno ni Regional Executive Director Dr. Rose Mary Aquino, sa malaking tulong na naibigay para sa mga magsasaka ng lungsod.
Layunin ng programang ito na palakasin ang produksyon ng mais sa lungsod at matulungan ang mga magsasaka sa kanilang kabuhayan.
Source: Tuguegarao City Information Centre