17.5 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Homemade shotgun at 2 rifle grenades boluntaryong isinuko sa Kalinga

Boluntaryong isinuko ng dalawang residente sa kanilang Punong Barangay ang isang homemade shotgun at dalawang rifle grenades sa Brgy. Colayo at Brgy. Guina-ang, Pasil, Kalinga nito lamang Oktubre 18-19, 2022.

Ang isinukong mga armas ay isang uri ng homemade shotgun na walang serial number, at dalawang 40mm rifle grenades na may dalawang casing.

Ang pagsuko ng mga nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng Oplan Katok at Oplan Sita bilang bahagi ng Anti-criminality Campaign ng Kalinga PNP sa buong probinsya.

Nanawagan ang pulisya sa mamamayan na may mga baril na walang lisensya na isuko ang kanilang armas upang hindi makasuhan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles