13.8 C
Baguio City
Friday, February 21, 2025
spot_img

HINP-PAMB, nagsagawa ng Pagpupulong para sa Pangangalaga ng Hundred Islands National Park

Isang espesyal na pagpupulong ng Hundred Islands National Park-Protected Area Management Board (HINP-PAMB) ang isinagawa ngayong araw Pebrero 12, 2025, sa City Tourism Office upang talakayin ang mga napapanahong hakbang at sustainable na proyekto para sa patuloy na proteksyon at pagpapalakas ng turismo sa kanilang lungsod.

Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Executive Director at HINP-PAMB Chairman, Atty. Crizaldy M. Barcelo, CESO III, ang pagpupulong, kasama si City Councilor Atty. Walter M. Macaiba bilang opisyal na kinatawan ni Mayor Arth Bryan C. Celeste, na nagsisilbing Co-Chairman ng HINP-PAMB.

Kabilang sa mga pangunahing agenda ang pag-endorso sa Protected Area Superintendent (PASu) at Assistant PASu ng HINP upang mas mapaigting ang pangangasiwa at pangangalaga sa naturang marine park.

Bukod dito, tinalakay rin ang mga nakatakdang promotional activities upang lalo pang mapaunlad ang turismo sa Hundred Islands. Nagbigay rin ng mga rekomendasyon ang mga miyembro hinggil sa mga epektibong estratehiya upang mapanatili ang kalinisan at maayos na pangangalaga sa eco-park.

Ang pagpupulong na ito ay nagpapakita ng matibay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya sa pagsusulong ng balanseng turismo at konserbasyon upang mapanatili ang Hundred Islands bilang isang sustainable at eco-friendly na destinasyon para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.

Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles