13.9 C
Baguio City
Saturday, January 25, 2025
spot_img

Higit-kumulang 1,400 CSU Piat students, nakilahok sa Campus Peace Symposium

Mas malinaw na para sa humigit-kumulang 1,400 na estudyante ng Cagayan State University-Piat Campus na kahit kailan ay walang magandang maidudulot ang presensya ng Communist Terrorist Group sa lipunan.

Ito ay matapos dumalo ang mga estudyante ng nabanggit na Unibersidad sa Campus Peace Symposium na may kaugnayan sa National Security Awareness Drive ng AFP at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kasama ang Youth For Peace Cagayan na may temang project “UniVisity” sa CSU-Piat, Barangay Baung, Piat, Cagayan noong ika-3 ng Marso 2023.

Ibinahagi ng NICA ang proseso ng deceptive recruitment ng teroristang CPP-NPA-NDF sa mga kabataan at mga mag-aaral. Ipinamulat ng ahensya sa mga dumalo ang tunay na layunin ng komunistang teroristang grupo na nagbabalat-kayo upang makakuha ng suporta ng masa at makapanlinlang ng kabataan na sumanib sa teroristang grupo.

Samantala, ibinahagi naman ng 202nd Regional Mobile Force Battalion ang batas tungkol sa Anti-Terrorism Act upang maipabatid sa mga estudyante ang mga kinasasaklawan nito at maging mapagmatyag sa galaw ng kanilang mga nakasasalamuha sa loob at labas ng kanilang eskwelahan.

Dumalo rin ang Youth for Peace-Cagayan Chapter sa symposium at kanilang ipinakilala ang kanilang organisasyon na may adbokasiyang maisulong ang pagkakaisa ng kabataan para sa kapayapaan at kaunlaran.

Ang 17th Infantry Battalion ay nagbigay kaalaman sa proseso ng pagiging isang sundalo sa pamamagitan ng pamimigay ng leaflets at lektyur.

Maliban sa lektyur, nagsagawa din ng static display ang kasundaluhan na kung saan ipinamalas nila ang kakayahan at galing ng Philippine Army na ikinamangha ng mga estudyante.

Source: 5th ID, PA Fb Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles