16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Higit 5,000 pamilya na nabaha sa lalawigan ng Isabela, nakatanggap ng Financial Aid at Food packs mula sa DSWD

Nanguna ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa pamamahagi ng tulong sa 5,177 na pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bayan ng San Manuel at Aurora sa lalawigan ng Isabela noong ika-14 ng Agosto 2022. 

Pinangunahan ni Regional Director Joel Espejo ng DSWD Region 2 ang pagbibigay ng Php3,000 cash assistance sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Ang mga benipisyaryo ay nakatanggap din ng family food packs, hygiene kits at sleeping kits ang mga biktima ng pagbaha. 

Ayon sa ulat ng DSWD, nasa higit 3,671 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa anim na barangay sa bayan ng San Manuel, samantala 1,506 naman na pamilya ang naapektuhan sa bayan ng Aurora. 

Source: DSWD Region 2; PIA 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles