Namahagi ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development Office 2 sa pamamagitan ng pagbibigay ng Family Food Packs sa higit 500 na pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ofel sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2024.
Sa pangunguna ng Municipal Action Teams ng DSWD Field Office 2, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at Philippine National Police, matagumpay na naipamahagi ang nasabing FFPs sa mga residente.
Ang mga FFPs na ito ay bahagi ng augmentation support ng ahensya bilang agarang tugon sa pangangailangan ng mga residente na naapektuhan ng Bagyong Ofel.
Layunin nito na maibsan ang hirap ng mga pamilyang nawalan ng hanapbuhay at ari-arian dahil sa bagyo.
Patunay ito sa dedikasyon ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng sakuna.
Source: DSWD RII