14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Higit 3K na civilian volunteer, nakatanggap ng financial grant mula sa ikalawang Distrito ng Pangasinan

Namahagi ng ayuda ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III para sa mga civilian volunteer ng ikalawang distrito ng Pangasinan nito lamang nagdaang Lunes, Marso 20, 2023.

Sa mensahe naman ng Gobernador, patuloy ang ugnayan ng mga opisyal ng barangay, munisipalidad at pamahalaang panlalawigan sa pagkakaroon ng disiplina ng mga mamamayan at pagtatanggal sa mga nakahambalang sa daan na nagiging sanhi ng aksidente.

Binanggit din niya ang pagpapalakas sa Gender and Development Program sa barangay para sa moral recovery.

Maraming adhikain na nais mangyari ang gobernador ng lalawigan at maisasakatuparan aniya ito kung magkakaisa ang lahat.

Nasa higit tatlong libo at limang daang civilian volunteer ang napagkalooban sa ginawang distribusyon ng financial grants.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles