12.5 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Higit 2,000 na benepisyaryo, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa programang No Barangay Left Behind (NBLB) sa Cagayan

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mahigit 2,000 na benepisyaryo ng Tuao East at Tuao West na nagkakahalaga ng halos Php3 milyon mula sa programang No Barangay Left Behind (NBLB) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan nito lamang ika-10 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa iba’t ibang sektor partikular na sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Day Care Workers (DCW), Barangay Tanod, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Health Workers (BHW). Ang mga Barangay Tanod, BNS at BHW na tumanggap ng tig-P2,000; tig-P3,500 naman sa mga DCW; at tig-P1, 000 naman para sa mga 4PS.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Tuao Mayor William Mamba sa walang humpay na suporta at tulong ng PGC sa mga residente sa bayan ng Tuao.

Magkatuwang sa distribusyon ang Provincial Treasury Office, Provincial Office for People Empowerment (POPE), Provincial Social Welfare and Development (PSWDO), at Provincial Health Office (PHO), at mga opisyal ng nasabing bayan.

Ang programang Oplan Tulong sa Barangay ay magpapatuloy na maghahatid ng tulong sa mga benepisyaryo ng nasabing programa sa lahat ng bayan sa Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles