21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Higit 200 dating rebelde nabigyan ng bigas sa bayan ng Aurora

Nabigyan ng bigas ang higit 200 dating rebelde sa Barangay Calabuanan, Baler, Aurora nito lamang ika-10 ng Hulyo 2022.

Ang aktibidad ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o PARU, 703rd Agila Brigade, 91st Infantry Battalion at 7th Kaugnay Division Philippine Army.

Bawat isa ay nakatanggap ng tig-iisang sako ng bigas.

Ang mga dating rebelde ay miyembro ng People’s Organization na binuo ng 91st IB sa pangunguna ni Acting Commander na si LtCol Julito B Recto Jr.

Ayon kay LtCol. Recto, ang pamamahagi ng bigas na kalakip ng tatlong araw na programang Peace Orientation Towards a Transformation.

Patunay na ang ganitong aktibidad ay nagpapakita na ang pamahalaan ay katuwang sa lahat ng programa na makakatulong sa ating mamamayan lalo na ang mga napunta sa maling daan na nais ng magbagong buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles