23.8 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Higit 1,400 Blood Donors, nakiisa sa Mobile Blood Donation Drive

Dinagsa ng mahigit 1,400 blood donors ang iba’t ibang station sa Isabela State University (ISU) campuses para makiisa sa Mobile Blood Donation Drive na isinagawa sa Echangue, Isabela noong Agosto 25, 2024.

Sa kabuuan, 1,437 na rehistradong donors ang lumahok at nakapagtala ng 442 blood bags mula sa naturang aktibidad.

Karamihan sa mga nakiisa ay mga reservists, faculty at staff ng unibersidad, mga ROTC students, at iba pang mga estudyante mula sa iba’t ibang kampus ng ISU.

Ang bloodletting activity ay bahagi ng Nationwide Bloodletting Activity na kaugnay sa National Reservist Week at National Heroes Day.

Ayon sa datos na ibinahagi ng 202nd Community Defense Center, ang mga blood bags na nakolekta ay nagmula sa mga blood donation outlet sa ISU Cauayan, ISU Echague, ISU Cabagan, at ISU Ilagan.

Pinasalamatan naman ng mga organizer ang lahat ng nakiisa, lalo na ang mga kabataang nagpakita ng malasakit at kahandaan na tumulong sa kanilang kapwa.

Ipinahayag din nila ang kanilang pag-asa na ang ganitong uri ng pagtutulungan ay magpapatuloy sa mga susunod pang taon, bilang simbolo ng bayanihan at pagkakaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan.

Source: XFM Santiago

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles