21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Higit 13,000 na ilegal na punong kahoy nakumpiska sa Nueva Ecija

Nakumpiska ng mga otoridad ang higit 13,000 ilegal na naputol na kahoy sa Sumacbao Riverbank, General Tinio, Nueva Ecija nito lamang ika-11 ng Hulyo 2022.

Ang pagkumpiska ay resulta ng isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng tauhan ng Department of Environment and Natural Resources 3, Nueva Ecija Police Provincial Office, General Tinio Police Station, at 84th Infantry Battalion, Philippine Army.

Ayon sa ulat ni Gerundio Fernandez, DENR Provincial Office Chief, nakatakas ang mga suspek nang makita ang mga paparating na operatiba at iniwan ang mga ilegal na kahoy ng tanguile at mayapis sa may Sumacbao riverbank.

Dagdag pa ni Fernandez, Php800,000 ang halaga ng mga naputol na kahoy at pansamantalang nasa kostudiya ng municipal compound ng General Tinio at NEPPO.

Pinasalamatan naman ni DENR Regional Executive Paquito Moreno Jr ang NEPPO at Philippine Army sa kanilang suporta sa DENR upang mapababa ang mga illegal forest activities sa Nueva Ecija.

Source: PNA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles