23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Hepe ng San Miguel MPS, patay sa engkwentro sa Bulacan

Patay ang Acting Chief of Police ng San Miguel Municipal Police Station matapos ang engkwentro sa mga suspek na hinahinalang magnanakaw sa madilim na bahagi ng Barangay Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Sabado, ika-25 ng Marso 2023.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagresponde ang grupo nina Police Lieutenant Colonel Marlon Serna, Acting Chief of Police ng San Miguel MPS, matapos makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen na may nakawan na naganap sa kanilang nasasakupan.

Nang papunta na sa pinangyarihan ng krimen ay namataan ang dalawang suspek na nakasakay sa Mio motorcycle at agad pinutukan ang mga awtoridad dahilan na tumama ang bala sa ulo ng Hepe ng San Miguel MPS sanhi ng kanyang agarang pagkamatay at sugatan naman ang isang 17 anyos na residente ng Barangay Soledad, Sta Rosa, Nueva Ecija.

Agaran namang inutos ni Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr, Regional Director ng Police Provincial Office 3, ang manhunt operation sa mga suspek at nagpahayag na may pabuyang aabot sa Php1.2 milyon sa sinumang makapagtuturo ng mga suspek.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles