Libreng Hearing Aid ang inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga para sa mga kapampangan na isinagawa sa Bren Z. Guiao Convention Center, Pampanga nito lamang Linggo, ika-29 ng September 2024.
Ang Hearing Aid Assistance Program ay inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno ni Governor Dennis “Delta” Pineda, sa tulong ng Starkey Hearing Foundation na pinangunahan ng mag-asawang Mr. Bill Austin at Ms. Tani Austin, Founder ng nasabing Foundation, kasama ang kawani mula sa Provincial Health Office (PHO) sa pamumuno ni Dr. Dax Tidula.
Nasa 467 na Kapampangan na may hearing loss o problema sa pandinig ang nakatanggap ng libreng hearing aid kasabay na ang pangangamusta at pag-asikaso sa mga pasyente ang personal na ginawa ng mahal na Gobernador kasama ang mag-asawang Austin.
Bakas ang tuwa sa mukha ng bawat benepisyaryo nang makarinig sa unang pagkakataon o muling naibalik ang pandinig.
Bukod dito, nagkaroon din ng aftercare program para sa kanila na pwede nilang ma avail sa mga district hospitals ng lalawigan.
Ayon sa PHO, ito ang ikalawang hearing aid mission ng Starkey Hearing Foundation katuwang ang Kapitolyo ngayong taon kung saan aabot na 1,847 na pasyente na ang natulungan.
Patuloy pa rin ang mga ganitong programa ng pamahalaan para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.