13 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Halos 100K Insurance Benefits mula sa PCIC, ipinamahagi ng LGU Mangaldan sa pamilya ng tatlong yumaong magsasaka

Personal na iginawad ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno katuwang ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Merle Sali, ang kabuuang Php95,000 insurance claim mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa mga kaanak ng tatlong yumaong magsasaka sa Mangaldan nitong Oktubre 1, 2024.

Ipinaabot kay Rey Aquino ng Barangay Inlambo ang Php40,000 death aide benefit at Php10,000 crop insurance nang kanyang namayapang amang magsasaka na si Cipriano Aquino.

Php35,000 naman ang natanggap na insurance claim ni Rebhen Tandingan ng Barangay Malabago mula sa kanyang yumaong inang magsasaka na si Romana Tandingan.

Samantala, Php10,000 crop insurance benefit naman ang ipinaabot kay Rodel Francisco ng Barangay Alitaya para sa kanyang yumaong inang magsasaka na si Rosario Francisco.

Ayon sa MAO, hindi umano nakapag-renew si Rosario ng kanyang life insurance membership sa PCIC at tanging ang crop insurance ang aktibo kaya maliit lamang ang natanggap nito kumpara sa halaga nang naibigay sa dalawang magsasaka.

Kaugnay nito, hinihimok ni Mayor Bona ang mga magsasakang Mangaldanian na magparehistro at maging miyembro ng PCIC para mas maging malawak pa ang benepisyo na matatanggap mula sa gobyerno sa mga hindi inaasahang kaganapan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles