Nagkaroon ng Post-Election Assessment at Exit Meeting ang mga ahensyang kasapi sa Regional Joint Security Control Center (RJSCC) sa Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan noong Mayo 27, 2022.
Sa naturang aktibidad ay nagpasalamat ang PNP, AFP at COMELEC sa mga ahensyang nakiisa at nakibahagi sa pagkamit ng mapayapa at maayos na 2022 National and Local Elections.
Ayon kay Atty. Julius Torres ng COMELEC, ang 2022 elections ang isa sa mga naitalang pinakamaayos at mapayapang halalan na naganap sa kasaysayan ng rehiyon.
Ipinarating naman ni Police Regional Office 2 Regional Director PBGen. Steve Ludan, na lumabas sa pagsisiyasat na ang limang suspected election related incidents ay hindi maituturing na election-related, base na rin sa isinagawang imbestigasyon.
Maging sa hanay ng Philippine Army ay namangha rin sa tagumpay nang nakaraang halalan.
Pinuro rin ng COMELEC ang DepEd sa pamamagitan ng mga gurong naglingkod noong National and Local Elections 2022.
Pinagkalooban din ng COMELEC ng Plaque of Recognition ang mga ahensyang may malaking ambag sa tagumpay ng Halalan 2022 tulad ng PNP, Philippine Army, DepEd, DILG, DOH, Philippine Coastguard, NGCP, DPWH, BFP, DENR, DOST, DICT, NICA at F2 Logistics.
Source: PIA 2, Police Regional Office 2