Ang madalas na pagkain ng gulay ay nagbibigay bitamina at mineral na kailangan para sa malusog at masiglang pangangatawan. Ngunit sa paglipas ng panahon, kasabay din nito ang pagtaas ng presyo ng iba’t -ibang uri na gulay sa mga pamilihan. Kaya’t isa sa mga alternatibong paraan na ginagawa ng ilan sa ating mga mamamayan ay ang paggawa ng gulayan sa kanilang munting bakuran. Bukod sa nakakatipid sila sa mga gastusin sa kanilanh tahanan, maaari din nila ito pagkakitaan.
Bilang bahagi ng kanilang programa, nagtanim ng gulay ang mga tauhan ng San Jose Police Station at pinagsisikapan nila itong palakihin at palaguin upang sa ganoon ay may maibahagi sila sa mga residente ng kanilang nasasakupan.
Ginawang posible ang programang ito sa pangangasiwa ni PLTCOL Palmyra D Guardaya at mula sa pagsisikap ng mga tauhan ng nasabing istasyon. Nagpapakita ito na hindi lamang pananatili ng kaayusan at kapayapaan ang ginagampanan ng ating kapulisan kundi pati ang kapakanan ng mga mamamayan.