Hindi na mahirap hikayatin ang mga Pangasinense na magpakonsulta dahil sa GUICOnsulta o Government Unified Incentives for Medical Consultation, isang natatanging programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, sa mga Barangay ng Poblacion Sur, Alibago, at Primicias nitong ika-5 ng Nobyembre 2024.
Nasa 773 ang nakapag-rehistro sa pangunguna ng Provincial Hospital Management Services Office (PHMSO). Sa pamamagitan ng GUICOnsulta, sagot na ng probinsya ang transportasyon at pagkain ng mga magpaparehistro sa Konsultasyong Sulit at Tama o konsulta ng Philhealth.
Ang programang ito ay nagpapalakas din ng kamalayan at edukasyon sa mga mamamayan ukol kahalagahan ng pagpapanatili ng kanilang magandang kalusugan.
Matatandaang una ng hiniling ni Governor Guico ang tulong ng mga Barangay Health Workers o BHW para mas mapaigting ang pagpapa-rehistro ng mga residente sa mga barangay. Positibo ang tugon ng mga BHWs sa hiling na ito.