Lumahok at humataw ang mga grupo ng kabataan mula Luzon sa naganap na Invitational Dance Showdown bilang bahagi sa selebrasyon ng Hundred Islands Festival 2025 nito lamang Linggo, Marso 16, 2025.



Itinanghal na kampyeon ang “Beat As One” mula sa Binangonan, Rizal, First Runner Up naman ang “Hype Impact Family” mula sa Olongapo City, Second Runner Up ang “AMK Rocknation” galing sa Marikina City, Third Runner Up ang “7th Rage” mula sa Dagupan City, at Fourth Runner Up naman ang “Distortion Family” mula sa Tayug .

Pinangunahan ito ni City Youth Sports and Development Officer, Mr. Cloyd Peter Lalas katuwang ang kaniyang mga kasamahan sa opisina.
Natapos ang programa ng may ngiti sa mukha ang mga kalahok at mga manonood. Layunin nito na magkaroon ng pagkakaisa ang bawat mamamayan tungo sa kapayapaan at mas makilala sa loob at labas ng bansa ang talentong taglay ng kabataang Pinoy.
Source: Alaminos City LGU