Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng Bolinao Municipal Park sa pangunguna ni Municipal Mayor Alfonso F. Celeste,M.D., katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at Liga ng mga Barangay nito lamang Miyerkules, Abril 9, 2025 sa Germinal, Bolinao, Pangasinan.
Ang nasabing park ay isang proyektong naglalayong pagandahin ang kalidad ng buhay ng Bolinaoens sa pamamagitan ng pagbibigay ng pampublikong espasyo kung saan ang nakalaang badyet para rito ay nagkakahalaga na Php25 milyong piso na nakatakdang patayuan ng forest garden, children’s park, giant fountain, at parking area para sa mga lokal at turista.
Ayon kay Mayor Celeste, naging posible ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng mga buwis na nakolekta na siyang patunay sa transparency at de-kalidad na serbisyo ng pamahalaan.
Malaking tulong naman ang ipapatayong park upang umangat pa ang turismo sa bayan ng Bolinao.
Source: Bolinao Tourism and Information Office