16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Groundbreaking Ceremony para sa itatayong tulay, isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong tulay sa pagitan ng Barangay Poblacion at Barangay Bagunot, Baggao, Cagayan nito lamang ika-22 ng Abril 2024.

Ayon sa tugon ni Congressman Ramon Nolasco Jr, napakahalaga ng ipapatayong tulay hindi lamang sa mga taong gagamit nito kundi magbibigay din ito ng malaking ginhawa sa ekonomiya ng bayan dahil dito idadaan ang mga produkto sa iba’t ibang barangay.

Lubos naman ang kagalakan ng mga residente sa iba’t ibang barangay sa nasabing bayan dahil matagal na nilang pinapangarap na magkaroon ng mas maayos at mahabang tulay na magdudugtong sa Poblacion para mas mapadali ang pagbebenta sa kanilang mga kalakal.

Dinaluhan ang naturang seremonya ng mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways na siyang pangunahing mangangasiwa sa konstruksyon ng nasabing proyekto, kabilang ang mga kawani ng pamahalaang lokal ng Baggao, Cagayan at mga opisyales ng barangay na sumasakop sa nasabing istraktura.

Magiging tulay ang mga ganitong proyekto ng pamahalaan para sa pagpapalakas ng seguridad tungo sa ligtas na pamayanan gayundin ang pagiging posible nito sa pagtahak sa landas ng kaunlaran at pag-asenso ng ating bayan.

Source: Baggao Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles