15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Groundbreaking Ceremony ng SWAIB Project, isinagawa sa Ballesteros, Cagayan

Isinagawa sa Cagayan Animal Breeding Center & Agri-Eco Tourism Park sa Zitanga, Ballesteros, Cagayan ang Groundbreaking Ceremony ng Swine Artificial Insemination sa Barangay (SWAIB) na proyekto ng Department of Agriculture-National Livestock Program (DA-NLP) noong Agosto 17, 2023.

Ang SWAIB Project ay kabilang sa mga hakbang ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program ng DA-NLP sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute Regional Training Center 02.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Provincial Veterinarian Dr. Noli Buen at mga empleyado ng Provincial Veterinary Office (PVET) at binasbasan ito ni Rev. Father Edgar Baculi at dinaluhan nina Dr. Maurieann Turingan, Agricultural Training Institute (ATI) Livestock Program Focal; Dr. Claris Alaska, Asst Center Director, DA-ATI; Dr. Analysa Claveron, ATI Chief, Partnership and Accreditation Services Section (PASS); Dr. Bryan Sibayan, Regional Livestock Program Focal; Architect Jemuel Moreno, Provincial Engineering Office; Mark Kevin Oandasan, Agricultural Technologist-Ballesteros; Barangay Captain Larina Tolentino; at iba pang opisyal ng nasabing barangay.

Layon ng naturang proyekto na mapalago ang produksyon ng dekalidad na mga baboy sa barangay Zitanga, Ballesteros, Cagayan.

Ang SWAIB Project ay may pondong Php4,750,000 na gagamitin para sa pagpapatayo ng animal house, waste management facility, pagbili ng laboratory equipment, at sampung (10) breeder boar.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles