19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Gross Sales ng “Padday De Lima” Provincial Trade ng Aggao Nac Cagayan umabot sa Php1.2M

Naging matagumpay ang “Padday De Lima” Provincial Trade Fair na bahagi ng “Aggao nac Cagayan” Celebration matapos malampasan ang target nito na koleksyon sa loob lamang ng isang linggo.

Mula sa target na kalahating milyon, ay nakalikom ng kabuuang Php1,272,451.50 ang mga Micro Small, Medium, Enterprises o MSMEs na kasama sa trade fair matapos nitong magsimula noong Hunyo 23 at opisyal na nagsara noong Hunyo 29, taong kasalukuyan.

Ayon sa Department of Trade and Industry o DTI na katuwang ng Provincial Government sa aktibidad, malaki ang naitulong nito sa mga MSMEs dahil bukod sa nagkaroon sila ng kita ay mas lalo pang nakilala ang kanilang mga produkto.

Ang trade fair ngayong taon ay nilahukan ng 93 MSMEs o exhibitors na nagpamalas ng kanilang mga trademark na produkto at “One Town One Product” o OTOP, local delicacies, mula sa 29 na bayan at siyudad ng Cagayan.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga MSMEs sa DTI at Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba sa pagsama sa Trade Fair bilang bahagi ng “Aggao nac Cagayan” Celebration na pinamumunuan ni Atty. Mabel Villarica-Mamba na siyang Chair ng selebrasyon.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles