20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Green Banner Seal of Compliance, nakuha ng Munisipalidad ng Bacnotan, La Union

Nakamit ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan ang passing score upang makuha ang Green Banner Seal of Compliance bilang pagkilala sa natatangi nitong programa sa nutrisyon sa pangunguna ng Municipal Nutrition Action Office sa katatapos lang na validation nitong ika-4 ng Abril 2023 sa Bacnotan People’s Hall.

“I always say to my co-workers, my constituents, and to Bacnotaneans, before we achieve a better future for our town, especially for our children, we need to provide them with better education, thus, creating our literacy programs, but before they engage in education, what we need is proper nutrition; they need this intervention for them to think right and act right,” ani Mayor Divine Fontanilla.

Ang naturang validation ay nakabase sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI PRO) na beneripika naman ng Provincial Nutrition Evaluation Team sa pangunguna ng Provincial Health Office, Department of the Interior and Local Government, Provincial Planning and Development Office, Department of Education, Office of the Provincial Agriculturist, at Sangguniang Panlalawigan.

Upang makamit ang award, kinakailangang maabot ang 85% alinsunod sa mga natukoy na dimensions: Vision and Mission, Nutrition Laws and Policies, Governance and Organizational Structure, Local Nutrition Committee Management Functions, Nutrition Interventions/Services, at Change in Nutritional Status.

Samantala, matapos ang provincial validation na nakatakda namang iendorso ang mga 3-year Green Banner awardee sa rehiyon para matignan ang mga papasa sa Crown Award o sa prestihiyosong Nutrition Honor Award.

Dumalo naman sa naturang programa ang LGU department heads, mga kawani ng lokal na pamahalaan, Nutrition Committee Members at Technical Working Group, at Barangay Nutrition Scholars Federation Officers.

Patuloy naman ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa pagpapaigting, pagpapalawak at pag-abot ng mga programang pang-nutrisyon para sa nasasakupan nito.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles