14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Governor Mamba, namahagi ng insentibo sa Cagayano Cops sa 2nd District ng Cagayan

Namahagi ng insentibo sa Cagayano Cops si Governor Manuel Mamba sa mga lalawigang kabilang sa 2nd District ng Cagayan sa bayan ng Allacapan noong ika-8 ng Hunyo 2024.

Batay sa datos na ibinahagi ng Cagayan Provincial Treasury Office, aabot sa halos 600 pulis ang tumanggap ng cash incentives na nagkakahalaga ng Php5,500 bawat isa at matatandaan ay kasama rin sa programang ibinibigay ni Gov. Mamba sa kapulisan ay ang pamamagagi ng rescue at patrol vehicle upang may magamit sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Layunin ng programang ito na ipamahagi ang insentibo sa mga uniforned personnel na kung saan ang pondo ay nakapaloob sa Peace and Order Fund ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan bilang pagkilala sa serbisyo ng kapulisan ng Cagayan sa pagsisilbi sa mamamayan at lalawigan.

Samantala, hinimok naman ni Police Colonel Julio S Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan ang mga Cagayano Cops na suklian ng maayos na pagseserbisyo ang suporta at pagkilalang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Gov. Mamba sa kanilang natatanging serbisyo para sa probinsya at pinaalalahanan na dapat pahalagahan at ingatan ng mga pulis ang kanilang uniporme upang hindi ito mabahiran ng anumang ilegal na gawain.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles