15.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Google Philippines, pinuri ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas

Sa isang Q&A portion ng World Economic Forum, pinuri ng Giant Technology Company na Google Philippines ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr.

Ayon kay Jackie Wang, ang Country Manager ng Google Philippines, umabot sa 23 billion dollars ang halaga ng mga produkto na naibenta online sa Pilipinas noong 2023.

Dahil dito, hinikayat ng Pangulo ang pribadong sektor na tulungan ang pamahalaan upang mapabuti ang koneksyon sa internet sa bansa. Binanggit din ng Pangulo na ang cybersecurity ay isa sa mga pangunahing problema.

Ayon sa kanya, mapipigilan lamang ito kung tutulong ang pribadong sektor na labanan ang cyber scams at cyber-attacks sa bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles