Isinauli ng isang indibidwal sa himpilan ng pulisya ang isang clutch bag sa Poblacion, Bontoc, Mountain Province nito lamang Setyembre 2, 2022.
Kinilala ang nagsauli ng bag na si Ginoong Clarence Padising, residente ng Poblacion, Bontoc, Mountain Province.
Ang clutch bag (Louis Vuitton) ay naglalaman ng Php135,000, dalawangflas h drive, isang maliit na suklay, anim na firearm registration identification, isang toothbrush, dalawang dental floss, isang license ID card at isang can opener.
Napag-alaman na pagmamay-ari ito ni Ginong Arnel B. Escobal, isang retiradong mataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Isang patunay na ang ating kababayan na si Ginoong Padising ay isang halimbawa ng taong tapat na may malasakit sa kapwa. Nawa’y dumami pa ang katulad mo, ikaw ang huwaran ng isang tunay na Pilipino!