Naghandog ng maagang pamasko ang mga tauhan ng Local Government Unit ng Dinalungan para sa mga residente ng Barangay Simbahan, Dinalungan, Aurora nito lamang Miyerkules, Disyembre 20, 2023.
Matagumpay ang aktibidad sa pamumuno ni Hon. Manuel Torres, Municipal Mayor kasama ang mga miyembro ng Dinalungan Rider’s Club at Aurora PNP.
Namahagi ng mga grocery packs at tulong pinansyal sa mga naging benepisyaryo.
Patuloy ang Dinulungan LGU sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.