Namahagi ng gamit pang-eskwela ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City para sa mga mag-aaral ng Sitio Pader Elementary School ng Angeles City nito lamang Lunes, ika-02 ng Oktubre 2023.
Ang naturang tulong na pinangunahan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City.
Umabot sa 751 na estudyante ng nasabing pampublikong paaralan ang nabigyan ng libreng school bags, sapatos, medyas, t-shirts at mga school supplies.
Nagbigay ngiti sa mga kabataan ang hatid na tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Angeles City na kung saan magagamit sa kanilang pag-aaral at masusuot sa pang araw-araw.
Patunay lamang na ang Local Government Unit ng Angeles City ay patuloy sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo para sa magandang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.