23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Gamit pandigma ng NPA sa Cagayan, boluntaryong isinuko ng apat na sibilyan

Boluntaryong isinuko ng apat na sibilyan sa mga kasundaluhan ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army ang mga kagamitan pandigma na ipinagkatiwala sa kanila ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Cagayan noong Oktubre 16, 2023.

Isinuko ng dalawang sibilyan mula sa Barangay Villa Cielo, Buguey ang isang Improvised Explosive Device (IED) – Capto Type na ayon sa kanila ay ipinagkatiwala ng isang alyas “Marvin” ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).

Sumunod dito ang pagsuko ng isa pang sibilyan ng isang improvised shotgun na may kasamang mga bala at dalawang IEDs.

Nabatid na isa umano itong dating sumusuporta at nagsisilbing runner ng KRCV na pinamumunuan ng isang alyas Bong na nasawi sa isang engkwentro noong Mayo 2023 sa Cagayan.

Sa bahagi naman ng Barangay Alucao, sa bayan ng Sta. Teresita, nagbalik ng Cal. 45 na baril ang isa pang sibilyang dati ring supporter ng NPA, na binigyan umano ng baril ng isang alyas Ranny ng KRCV upang magsilbi nitong proteksyon sa mga pwersa ng pamahalaan.

Naniniwala ang apat na panahon na para tuldukan ang maling paniniwalang itinatak sa kanila ng komunistang teroristang CPP-NPA na walang ginawa kundi takutin sila sa kanilang mga sariling lugar at gamitin ang kanilang lakas sa pansariling kapakanan ng mga matataas na lider ng grupo.

Source: 5th Infantry Division, PA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles