Aabot sa halos Php120,000 ang nalikom na pondo sa isang matagumpay na fun run activity na may temang “Takbo Mo, Kalayaan Ko,” bilang bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month upang mawakasan ang Child Labor sa Rehiyon sa syudad ng Tuguegarao City para sa mga child laborer sa Lambak ng Cagayan, nito lamang ika-24 ng Nobyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2, kasama ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 2 (RPCADU2), Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Tuguegarao, mga pribadong organisasyon, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mahigit 300 katao ang nakilahok sa naturang aktibidad.
Ayon sa DOLE Region 2 – Technical Support Services Division Chief at Cagayan Provincial Director Laura Diciano, ang aktibidad ay nilahukan ng mga empleyado mula sa iba’t ibang institusyon, hanggang sa mga barangay ay layunin nito na makalikom ng pondo para matulungan ang mga child laborer sa rehiyon.
Kasama na matutulungan ang mga magulang ng mga benepisyaryo na may hangarin na maiwasan ang pagtatrabaho ng mga bata sa napakamurang edad at maibigay ang kanilang mga karapatan bilang bata.
Ang matagumpay na inisyatibang ito ay isang hakbang tungo sa pagsugpo ng child labor at pagbibigay ng mas maliwanag na kinabukasan sa mga bata sa rehiyon.
Source: DOLE Region 2