23.8 C
Baguio City
Thursday, January 23, 2025
spot_img

Fumigation tuloy-tuloy na isinasagawa ng Angeles City Health Office

Tuloy-tuloy na isinasagawa ng Angeles City Health Office ang fumigation laban sa lamok sa Barangay Capaya, Sto Rosario, Angeles City nito lamang Huwebes, ika-15 ng Hunyo 2023.

Pinamunuan ito ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office- Sanitation Division.

Binugahan ang mga bawat paligid ng kabahayan na kung saan namamahay ang mga lamok na may dalang sakit na dengue.

Layunin ng naturang fumigation ang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente at mapanatiling ligtas sa anumang uri ng sakit ang mga mamamayan ng Angeles City.

Patuloy na umaarangkada ang mga proyekto at programa ni Mayor Lazatin na nakatutulong sa pagkamit ng kaunlaran sa kanyang nasasakupan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles