Tuloy-tuloy na isinasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City ang Fumigation laban sa lamok na may dalang dengue sa Barangay Pulung Cacutud, Angeles City nito lamang Huwebes, ika-13 ng Abril 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office-Sanitation Division.
Binugahan ang mga bawat paligid ng kabahayan na kung saan namamahay ang mga lamok na may dalang dengue.
Layunin ng naturang fumigation ang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente laban sa mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue at mapanatili ang kalinisan sa kanilang nasasakupan.